Nakakuha ng mahigit P10 bilyong halaga ng investment commitments ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) mula sa mga Japanese company sa isang limang araw na investment mission kamakailan sa Tokyo, Japan.
Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na ang outbound mission ay nagresulta sa P10.8 bilyon na investment expansion commitments mula sa PEZA-registered Japanese enterprises.
Nakakuha ng P1 bilyon na investment commitment mula sa Terumo Corporation, isa pang P1.6 bilyon mula sa Taiyo Yuden, P7.2 bilyon mula sa TDK Corporation, at P1 bilyon mula rin sa ibang big corporations.
Aniya, ang patuloy na plano sa pamumuhunan ay sumasaklaw sa year calendar 2023-2024, na ang kabuuang puhunan ay umaabot sa P1.6 bilyon.
Nangangahulugan ito ng patuloy na panahon ng pagtitiwala ng Japan sa pagpapadali ng pamumuhunan ng bansa.
Giit pa ng opisyal na malaki rin ang maitutulong nito sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas.