KALIBO, Aklan—Inaalam na ng Philippine Embassy sa Dubai, United Arab Emirates kung may napabilang na mga Pinoy na nasawi sa malawakang pagbaha sa nasabing bansa.
Ayon kay Bombo International Correspondent Jhinky Munar, ito ay kasunod sa kumalat na mga videos kung saan may napabalitang Pinoy na kasamang nasawi sa pagragasa ng tubig-baha sa nasabing syudad.
Aniya, madalang lamang kung ulanin ang bansa kung kaya’t maraming lugar ang walang water drainage na nagresulta sa malawakang pagbaha ang ilang araw na walang humpay na pag-ulan.
Sa kasalukuyan aniya ay naka-work from home ang halos lahat na mga empleyado maliban na lamang sa mga frontliners na nagtatrabaho sa mga ospital, clinics, emergency response unit at maging sa mga groceries stores.
Gumawaga na rin aniya ng hakbang ang UAE government upang kaagad na maibalik ang lahat ng serbisyo sa nasabing bansa.