-- Advertisements --

ILOILO CITY – Itinuturing bilang variant of concern ng Philippine Genome Center (PGC) ang COVID-19 Delta variant matapos nakumpirma ang community transmission nito

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Cynthia Saloma, Executive Director ng PGC, sinabi nito na ang Delta variant ang siyang dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa base sa genome sequencing ng mga swab samples na nakolekta mula sa mga COVID-19 patients noong Hunyo hanggang Hulyo.

Ayon kay Saloma, nagsagawa sila ng pagsisiyasat at sinubukang iugnay ang mga kaso base sa phylogenetic tree at doon nakumpirma ang community transmission.

Ang phylogenetic tree ay ang diagram na nagpapakita ng ugnayan ng organisms o genes mula sa common source.

Sa ngayon anya ang mga “branches” ng phylogenetic tree ay mahaba na at hindi na ma-trace kung saan nanggaling.