-- Advertisements --
ILOILO CITY – Kinumpirma ng mga researchers ang pagkadiskubre sa higit 100 COVID-19 variants mula ng nagsimula ang sequencing ng virus sa Pilipinas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Victor Marco Emmanuel “Noel” Ferriols, Director of the Philippine Genome Center – Visayas, sinabi nito na madaling mag-mutate ang virus.
Ngunit ayon kay Ferriols, hindi naman variant of concern ang ibang virus kung kaya’t walang dapat na ikabahala.
Nararapat anya na magpabakuna dahil malaki ang maitutulong nito upang magkaroon ng antibodies.+