-- Advertisements --

Nagbabala muli ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga residente na malapit sa bulkang Taal dahil sa patuloy na pagbubuga nito ng asupre.

Kabilang sa mga lugar na naapektuhan ng pagpapalabas ng 10,000 tonelada ng sulfur dioxide ay ang bayan ng Laurel, Agoncillo at Sta. Teresita.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagbuga ng bulkang taal ng P10,000 tonelada ng asupre nitong Huwebes ng umaga at kahapon lang ay naglabas ulit ito ng 7,000 tonelada ng sulfur dioxide sa lalawigan na sinusundan ng pagbubuga ng usok at abo sa bahagi ng Taal caldera na maaaring magdala ng acid rain.

Kaya naman naglabas ng warning ang ahensya sa mga posible pang dulot nitong bulkang taal sa lalawigan, gaya ng gas-driven explosion, kaunting pagyanig o minor earthquake, bahagyang pagkalat ng mga abo at nakamamatay na pagtalsik ng volcanic gas.

Ang local na pamahalaan ng Batangas ay patuloy din na nagpapaalala sa mga nasasakupan na apektado ng pagbubuga ng asupre na maging mapanuri at panatilihing bukas ang mga linya ng komunikasyon. (With reports from Bombo JC Galvez)