-- Advertisements --

Pormal nang nagsimula ang kauna-unahang International Nuclear Supply Chain Forum sa bansa ngayong araw at ito ay idinaos sa isang kilalang hotel sa lungsod ng Quezon.

Ang naturang kaganapan ay tatlong araw na event na layong talakayin ang mga napapanahong usapin hinggil sa paggamit ng Nuclear Energy.

Personal na dumalo sa forum si Department of Energy Sec. Raphael Lotilla na nagbahagi ng kanyang welcome remarks.

Ayon kay Lotilla, ang international forum na ito ay nagmamarka ng isang mahalagang kaganapan upang mapag-isa ang mga pangunahing sektor ng Nuclear Energy.

Ang tema ng forum na ito ngayong taon ay ‘ Nuclear Energy Solution for Sustainable, Accelerated Energy Transition for a Secure ang empowered Future’.

Paliwanag ng kalihim na ito ay sumasalamin sa kanilang pinagsamang bisyon para sa hinaharap ng bansa.

Samantala, binigyang diin ni Energy Secretary Raphael Lotilla na layon ng tatlong araw na forum na ito na talakayin ang mga kritikal na diskusyon para sa paglilipat ng Pilipinas sa mas malinis at reliable na enerhiya.

Samantala,dumalo rin ngayong araw si United States Ambassador to the Philippines MaryCay Carlson at nagbahagi ng kanyang opening remarks.

Ayon kay Carlson, ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos ay nananatiling matatag.

Pinasalamatan rin ni Carlson ang delegasyon ng Estados Unidos na dumalo sa naturang event na binubuo ng mga innovative companies.

Layon ng kanilang pakikibahagi na alamin at i-explore ang potential ng Pilipinas pagdating sa Nuclear Energy.

Present din sa forum ngayong araw si Department of Energy Undersecretary Sharon Garin nagsisilbing chairperson ng Nuclear Energy Program Coordinating Committee.