Handa umanong makapag-uwi ng hanggang apat na gintong medalya ang Philippine judo team sa pagsabak nila sa 30th Southeast Asia Games.
Ayon kay Philippine Judo Federation President Dave Carter, malaki ang posibilidad dahil sa nasa magandang kondisyon ang mga pambato ng bansa sa pamumuno ni Kiyomi Watanabe.
Malaki kasi ang potensiyal ng 23-anyos na si Watanabe matapos maging number 23 sa world rankings nang makuha ang women’s 63 kg class sa Singapore noong nakaraang buwan.
Si Watanabe na isang Japanese-Filipino judoka na ipinanganak sa Cebu ay three-time gold medalist na sa SEA Games.
Noong 2018 Asian Games ay naka-silver medal ang Pinay.
Kung sakali sa SEA Games sa Pilipinas ay makasungkit muli siya ng medalyang ginto ay ito na ang ikaapat na sunod-sunod niyang maibubulsa.
Samantala, patuloy pa rin naman ang panawagan ng Philippine Judo Federation ng suporta para sa mga atleta.