STAR FM BAGUIO – Inamin ng Philippine King of R&B na si Jay R sa Star FM na nais nitong muling makapaglabas ng isang kanta na tulad ng kanyang 2003 chart-topping hit na “Bakit Pa Ba.”
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay Jay R, ibinahagi nitong thankful siya sa naging tagumpay ng hit song at sa kasalukuyan ay patuloy ang kanyang paggawa at pagsulat ng mga kanta para matupad ang kanyang goals na alay rin para sa kanyang mga tagasuporta.
“I wanna make a song that’s even a bigger hit than ‘Bakit Pa Ba’. That’s very hard kasi it’s such a big hit that it’s hard to beat that level of attention as a song. Pero siyempre, as an artist, gusto ko ma-achieve ang aking mga goals and that’s one of the goals that I wanna achieve still. Kaya I just keep going. Persevere,” ani Jay R.
Inalala rin naman ng 39-year-old Fil-Am singer ang isa sa mga hindi niya makakalimutang moment sa kanyang music career.
“There are many moments sa aking career that are very memorable sa akin. The first thing that I can think of his my first platinum record, for my first album Gameface, na binigay ko sa aking parents.”
Samantala, masaya rin ang singer dahil habang nasa quarantine ay nagawa niya pa ring makapagtanghal kasama ang kanyang mga fellow Pinoy artists tulad nina Jason Dy, Iñigo Pascual, KZ Tandingan, Zephanie, Jaya, at Kyla sa pamamagitan ng kanyang mga virtual shows o ang Soul In Love.
“Madami akong nagagawa creatively, kaya ko na-eenjoy. I’m just using this time to create. I’m just using a negative and turning it into a positive. I live and breathe performing. I have a guest every show. This is a good way for me to release my passion talaga.”
Payo rin naman ni Jay R sa mga bagong singers ng henerasyon na walang masama sa pagkuha ng inspirasyon sa ibang artists, ngunit dapat umano ay gamitin nila ang mga ito bilang inspirasyon, para makabuo ng sariling identity sa musika.
“Originality is key. At the end of the day, you are your own person and you have to be your own artist. After you master your favorite artist, after you learn their vocal technique, after you learn the way you write, you take all that information and you create your own originality. You create your own music.”
Hindi rin naman nakalimutan ng King of R&B na magpasalamat sa kanyang mga fans na patuloy na sumusuporta sa kanya.
“Kung wala ang aking mga fans, wala ang King of RNB. I’m very thankful to all my fans. I appreciate each and everyone of you. You made a career for me. Dahil doon, I will not stop. I will continue to output quality music, quality videos and quality shows para sa inyo. Lagi akong mag-eensayo para sa inyo, para happy lang kayo, kasi I appreciate all of you.”