-- Advertisements --

Pinal na ang desisyon ng Supreme Court (SC) na hindi na isasama pa bilang core subjects sa kolehiyo ang Filipino at Panitikan o Philippine Literature.

Sa five-page resolution nito, pinanindigan ng SC en banc ang kanilang desisyon noong Oktubre 9 matapos ang hindi matagumpay na pag-presenta ng mga petitioners ng substantive argument upang sana ay maging dahilan pa na magbago ang kanilang isipan.

Ayon kay SC clerk of court Edgar Aricheta, hindi na umano sila tatanggap ng kahit ano pang pleadings at motions tungkol sa naturang kaso.

“CMO 20 did not violate the Constitution when it merely transferred these subjects as part of the curriculum of primary and secondary education,” saad sa ruling.