Tiniyak ni Senate Majority Floor Leader Francis Tolentino sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi lamang mapoprotektahan ang mga lugar ng pangisdaan sa West Philippine Sea (WPS) kundi makikinabang din ang iba pang fishing grounds sa buong mundo sa oras na maipatupad na ang Philippine Maritime Zones Law.
Ayon kay Tolentino na siyang punong may-akda ng Philippine Maritime Zones Laws na makatulong ito dahil sa batas hanggang sa contiguos zone ay pinahihintulutan tayo na mag-enforce ng environmental laws.
Aton kay BFAR Spokesperson Nash Briguera, humigit-kumulang 385,000 mangingisda mula sa apat na rehiyon sa Pilipinas ang umaasa sa fishing resources sa West Philippine Sea.
Nagkasundo ang senador at si Briguera na ang pagsira sa marine ecosystem at living organisms sa WPS ay makakaapekto sa iba pang mga lugar ng pangisdaan sa buong mundo.
Gayunpaman, aminado si Tolentino na hindi kikilalanin ng China ang Philippines Maritime Zones Law, ngunit aniya, may obligasyon ito sa ilalim ng international law.