Hinikayat ng mga convenor ng Philippine Media Safety Summit si PBBM na gawing prayoridad ang pag-decriminalize sa libel, kasabay ng kanyang isasagawang SONA ngayong araw, July 22.
Maliban sa libel, hinikayat din ng grupo si PBBM na suportahan ang Freedom of Information Law.
Sa pahayag na inilabas ng grupo, hinihimok ng mga ito si Pangulong Marcos na panindigan ang kanyang pangako na titiyakin niya ang pagkakaroon ng malaya at ligtas na environment para sa lahat ng mga journalist sa kanyang SONA legislative priority.
Hinikayat din ng grupo si PBBM na tanggalin na ang probisyong nakapaloob sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 kung saan nagsisilbing witness ang mga journalist/media workers sa mga drug cases.
Hinimok din ng grupo si PBBM na ipatigil na ang umano’y red-tagging na tumatarget sa ilang mga jounalist.