GENERAL SANTOS CITY- Humiling ang Philippine Medical Association ng 14 days ”timeout” sa pamamagitan ng pagpapasailalim sa enhanced community quarantine quarantine sa lungsod sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa panayam kay Dr. Bing Aquino, Presidente ng Socsargen Internist Society na ito ang napag-usapan ng mga miyembrong adoktor ng PMA sa isinagawang pulong.
Binigyang diin nito na ang kahalagahan nang mabilis na tugon sa ilalim ng dalawang linggong ECQ sa lungsod.
Giit din nito na kinailangan ding magpahinga ang mga medical practioners/ frontliners.
Aniya, dapat hindi na hintaying mas lumala pa ang magiging epekto kung isasantabi lamang ang kanilang hiling.
Gayunman aminado si Dr. Aquino na hindi sapat ang dalawang linggong ECQ na masolusyunan ang lahat ng issue sa COVID-19 response.
Pero magandang pagkakataon pa rin daw ito para pag-usapan at plantsahin ang ilang mahahalagang punto ng kasalukuyang sitwasyon.
Dagdag pa ng doktor, malaki rin ang tugon mula sa komunidad para hindi na lumala ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.