Maagang naghahanda na ngayon ang Philippine Men’s Football team para sa pagsabak nila sa ASEAN Mitsubishi Electric Cup 2024.
Sa darating kasi ng Disyembre 12 ay makakaharap nila ang Myanmar habang sa Disyembre 18 naman ay ang Vietnam na kapwa ito gaganapin sa Rizal Memorial Stadium.
Habang mayroon din silang mga laro sa labas ng bansa gaya sa Lao National Stadium sa darating na Disiyembre 15 at makakaharap naman ang Indonesia sa Disyembre 21 na ito ay gaganapin sa Gelora Bung Karino Stadium.
Sinabi ni Freddy Gonzales ang Director of National Senior Teams for the Philippine Football Federation, na magagamit ng national team ang ilang mga natutunan nila sa mga nagdaang friendly games mula sa ibang mga bansa.
Sa darating naman na Disyembre 2 ay gaganapin ang national training camp nila at doon na maaring mapili kung sino ang pinal na mga isasabak.
Nanawagan ito sa publiko na suportahan ang Philippine team lalo na kapag ang laro ay gaganapin sa bansa.