Walang sasayangin na oras ang Philippine Men’s Football team para sa makapag-ensayo sa pagsabak nila sa semifinals ng 2024 ASEAN Championship Mitsubishi Electric Cup.
Makakaharap kasi nila sa nasabing semifinals ang Thailand sa araw ng Biyernes na gaganapin naman ito sa Rizal Memorial Stadium sa lungsod ng Maynila.
Nakapasok sa semifinals ang Pilipinas matapos na talunin nila ang Indonesia 1-0 noong nakaraang araw.
Sa mga nagdaang laban nila sa Myanmar at Laos ay nagtatapos ito sa 1-1 draw.
Sinabi naman ni midfielder Alex Monis na hindi sila natatakot na makaharap ang Thailand kung saan paghahandaan nila ang nasabing koponan at wala aniya silang sasayangin na laban.
Mula pa kasi noon ay hindi pa nagwawagi ang Pilipinas kontra sa Thailand noong sila ay nagharap noong 1971 at 1972.