Hinikayat ng Philippine Men’s National Football Team ang mamamayan na suportahan sila sa laban nila kontra sa Thailand.
Gaganapin mamayang gabi sa Rizal Memorial Stadium ang laban nila ng Thailand bilang bahagi ng semifinals ng ASEAN Mitsubishi Electric Cup.
Two-leg format ang laro kung saan gaganapin una sa bansa ang laban at sa Disyembre 30 naman ay dadayo ang Pilipinas sa Thailand.
Target ng Pilipinas na bahiran ng pagkatalo ang Thailand na mayroong 4-0 na bentahe sa Group A.
Sinabi ni football headcoach ng Pilipinas na si Albert Capellas, na gagawin nila ang lahat ng makakaya para maipanalo ang laro.
Sa katunayan aniya ay kahit umuulan nitong araw ng Pasko ay hindi pa rin silang tumigil sa pag-ensayo.
Binigyaan diin nito na hindi lamang kayang manalo mag-isa ang isang koponan kaya mahalaga ang team work.
Sa kasaysayan kasi ng football ay hindi pa tinatalo ng Pilipinas ang Thailand kung mangyari ito ay isang kasaysayan na maituturing.