-- Advertisements --
Humihingi ng pagdarasal ang Philippine men’s national football team dahil sa hindi pa tapos ang kanilang trabaho matapos na maitala ang makasaysayang panalo kontra sa Thailand para sa firstl leg ng ASEAN Championship.
Ayon kay Philippines coach Albert Capellas, na isang laro lamang ito at mahalaga na maulit ang panalo sa home court ng Thailand na gaganapin naman mamayang gabi.
Pagtitiyak niya na gagawin nila ang lahat ng makakaya para manalo.
Hindi naman nila ikinakaila na underdog sila dahil sa homecourt ng Thailand War Elephants ang kanilang susunod na laban.
Magugunitang nitong Biyernes ng maitala ng Men’s football team ang makasaysayang panalo 2-1 sa Thailand na ito ang unang pagkakataon na tinalo nila ang koponan sa loob ng 52 taon.