-- Advertisements --
pnp chief pinulong ang mga firecrackers manufacturers

Pinulong ni Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. ang ilang manufacturer at retailer ng mga paputok sa Bulacan.

Ito ay matapos na magsagawa muli ng inspeksyon ang pambansang pulisya sa pangunguna mismo ni Azurin sa ilang mga tindahan ng mga paputok sa nasabing lalawigan.

Layunin nito na muling paalalahanan ang mga may-ari at nagtitinda ng mga firecrackers at pyrotechnics na iwasan ang paggawa at pagtitinda ng mga ilegal at ipinagbabawal na paputok sa bansa.

Nakasaad kasi sa batas na ilan sa mga mahigpit na ipinagbabawal sa Pilipinas ay ang mga paputok na may bigat na higit sa 0.2 gram o hindi hihigit sa one third teaspoon ang lamang pulbura, bawal din ang oversized na mga paputok at, gayundin ang paputok na imported o gawa sa ibang bansa.

Samantala, sa naturang pagpupulong ay sinabi rin ni Azurin ang planong pagsasaayos sa patakaran sa pagbibigay ng lisensya sa mga pwedeng magkaroon ng lisensy.

Layon naman nito na tulungan ang mga bagong manufacturer na makakuha ng permit upang mabigyan na rin aniya ng hanapbuhay ang iba pa sa ating mga kababayan.