Hindi makumpirma ng Philippine National Police (PNP) kung may patunay ng buhay ang 34 na nawawalang mahilig sa sabong.
Sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., inaasahan na ng kanilang hanay ang “pinakamasamang” nangyari sa mga sabungero.
Aniya, ang mga cellphone at ilang piraso ng mga ebidensya lang ang unti-unti nilang narekober.
Tiniyak naman nito na patuloy na hahabulin ng PNP ang hustisya para sa kanila kung ano man ang nangyari sa mga nawawalang “sabungero.”
Una rito, sinabi ng PNP na wala pa ring mapagkakatiwalaang lead sa kinaroroonan ng 34 na mahilig sa sabong na nawawala mula noong nakaraang taon.
Magugunitang, inilabas ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang composite sketches ng dalawang suspek sa pagkawala ni Michael Bautista, isa sa 34 na nawawala, sa Sta, Cruz, Laguna.
Una nang nagsampa ng mga reklamo laban sa walong natukoy na tao at ilang John Does na sangkot sa kaso ng Manila Arena, at laban sa limang tauhan ng pulisya at kanilang mga kasamahan sa kasong kidnapping ni Ricardo Lasco noong unang bahagi ng taon.