-- Advertisements --
image 86

Nanawagan ang hepe ng Biñan police station sa dalawa pang persons of interest sa isinagawang welcoming at initiation rites na humantong sa pagkamatay ng college student na si John Matthew Salilig na lumantad na rin.

Ayon kay Police Lt. Col. Virgilio Jopia, lumabas sa kanilang imbestigasyon, 4-katao pa ang umano’y na-haze sa seremonya na ginanap sa isang bahay sa Biñan noong nakaraang linggo.

Ang mga ito, aniya, ay sina Salilig at ang dalawa pa ay nakilala na nila sa alyas “Diesel”, ang neophyte na nakipagtulungan sa mga otoridad hinggil sa kaso na naging dahilan sa pagsasampa ng kaso laban sa anim na miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity.

Si Salilig at ang dalawa ay miyembro na ng frat noong insidente.

Matatandaan na natagpuan ang bangkay ni Salilig na nakaburol sa isang lote sa Imus, Cavite noong Martes.

Sa ngayon, sinabi g mga Pulisya na ang dalawang kalahok ay kinokonsiderang persons of interest.

Pinaalalahanan Lt.Col. Jopia ang dalawa kapag hindi lumantad ang mga ito posibleng makasama sila bilang mga suspek.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng pulisya ng Biñan ang tatlong sasakyan, ang una ay isang asul na Ford Everest kung saan nakasakay umano si Salilig noong siya ay pumanaw.

Dagdag pa ni Jopia na naniniwala ang pulisya na dinala ng SUV na ito ang bangkay ni Salilig sa Imus, Cavite kung saan ito itinapon.

Ang mga tauhan ng SOCO ay kumuha na ng fingerprints mula sa silver at gray na sasakyan para sa forensic analysis.