Sinisikap ng Philippine National Railways na matapos ang re-railing ng tren ngayong araw dito sa Makati City, matapos itong madiskaril noong Abril 18.
Sa tulong ng re-railing equipment at ng crane, na iangat na mula sa north-bound tracks ang tren na nadiskaril.
Ngayon naman ay pinagpaplanohan na ang pag angat at pag inkaril ng tren sa south-bound tracks.
Kapag matapos na ito ay pag aaralan na ng pamunuan ang balik operasyon sa pagitan ng Dela Rosa at EDSA stations.
Kung matatandaan Abril 19, ay dumating ang tatlong crane na mag iinkaril ng tren.
Nangyari ang pagkadiskaril ng tren habang binabalagtas ng nito ang lagpas sa may bandang Don Bosco Crossing papunta ng Alabang na may bilis na 20 kilometer per hour.
Nais naman umano ng pamunuan na agad na maibalik ang serbisyo nito upang mas maging convenient sa mga pasahero.
Sa oras umano na matapos na ang pag inkaril ng tren ay dadaan ito sa ‘standard operating procedure’ upang masiguro na ligtas na ito bago pa man ang balik operasyon.