-- Advertisements --

Nakaalis na ng bansa ang triathlon team ng Pilipinas patungong Nur-Sultan Kazakhstan para makipagpaligsahan sa 2022 Asia Triathlon Junior and U23 Championships na gaganapin sa darating na Hulyo 23.

Pinangunahan ang koponan nina Cebuano SEA Games silver and bronze medalists Kim Remolino at Raven Alcoseba.

Sasabak si Alcoseba at Remolino sa Under 23 Men’s and Women’s categories gayundin sina Josh Ramos, Wacky Baniqued, at Erika Burgos.

Habang sina Matthew Hermosa at Gene Quiambao naman ay sasabak sa Junior Men’s and Women’s events.

Sa unang naging eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Remolino, inihayag pa nito na madami siyang natutunan na mga bagong experiences at lessons sa mga naunang international competitions na pwedeng i-apply sa mga kasunod pa.

“Always expect the unexpected and also parang ‘wag maging kampante. We should always need to strive and improve ourselves po na parang hanapin po yung the best version of ourselves during the race,” ani Remolino.