Hihingi ng paglilinaw ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa Philippine Olympic Committee (POC) kung sila ba ay kasali sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.
Kasunod ito sa hindi pagsama ng men’s volleyball team ng pagsagawa ng group drawlots ang organizers ng SEA Games.
Dahil sa pangyayari ay nagulat ang mga volleyball fans dahil sa may mga isinagawa silang friendly games at pagsasanay sa ibang bansa.
Itinanggi naman ni Tony Boy Liao, chairman ng national team commission, na hindi sila maglalagay ng mga manlalaro ng men’s volleyball team.
Maging si PNVF President Tats Suzara ay nagulat din ng hindi mapasama ang men’s volleyball team ng bansa sa nasabing torneo na magsisimula sa Mayo.
Nakatakda kasing umalis sa linggo ang koponan patungong Japan para sa kanilang training camp at matapos nito ay didiretso na sila sa Cambodia.