Binisita ng Philippine Navy (PN) ang mga navy personnel na nakabase sa pinakadulong parte ng Pilipinas sa Northern Luzon.
Pinangunahan ni Naval Forces Northern Luzon (NFNL) Commander, Commodore Edward Sagon ang pagtungo sa northernmost detachment ng Philippine Navy na nasa Batanes.
Umikot ang Philippine Navy official sa iba’t-ibang detachment nito sa pinaka-hilagang bahagi ng Pilipinas tulad ng 30th Marine Company sa Basco at Marine Detachment sa Itbayat.
Ang ang mga naturang detachment ang nagbabantay sa mga katubigang sakop ng Pilipinas sa Northern Luzon tulad ng Luzon Strait, ang karagatang naghihiwalay sa Pilipinas at Taiwan.
Ang naturang karagatan ang nagko-konekta sa West Philippine Sea sa western seabord ng Pilipinas at Philippine Sea sa eastern seabord ng bansa.
Kinilala ng PN ang sakripisyo at dedikasyon ng mga navy personnel at mga sundalong patuloy na nagbabantay sa naturang teritoryo ng bansa na hindi rin naka-uwi sa kani-kanilang lugar para ipagdiwang sana ang holiday.