-- Advertisements --

Bukas ang Philippine Navy (PN) sa lahat ng alok mula sa mga kaalyadong bansa upang mapaunlad ang kakayahang pandigma nito, ayon kay PN spokesperson Capt. John Percie Alcos.

Ito ay kasunod ng alok ng Royal Canadian Navy (RCN) na magsagawa ng submarine training para sa mga Pilipinong tripulante matapos bumisita ang kanilang delegasyon sa PN headquarters sa Roxas Boulevard, Manila noong Pebrero 7.

Sinabi ni Alcos na tinatanggap ng PN ang anumang tulong sa pagpapalakas ng kakayahan nito sa digmaang pandagat, panghimpapawid, panlupa, at elektroniko, pati na rin sa larangan ng intelligence, reconnaissance, at surveillance.

LOOPS: Amphibious landing exercise 3rd naval forces
Samantala, nagsagawa ng amphibious landing exercise ang 3rd Marine Brigade at Naval Forces West (NFW) sa San Vicente, Palawan upang mapanatili ang operational readiness at interoperability ng kanilang unit.

Kasama sa ehersisyo ang paggamit ng combat boats, beach clearing, breaching operations, at close-quarter battle maneuvers upang palakasin ang kahandaan ng puwersang pandagat sa iba’t ibang sitwasyon ng labanan.