Hindi ikinaa-alarma ng Philippine Navy ang na-rekober na Chinese submarine drone sa Masbate nitong Disyembre-30.
Sa isang pahayag, sinabi ni PN spokesperson Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na kailangan pang isailalim sa karagdagang analysis ang dilaw na drone na nakitang palutang-lutang sa mababaw na bahagi ng karagatan sa bayan ng San Pascual.
Ito ay upang matukoy ang tunay na pinagmulan ng naturang drone, kasama na ang technical specifications nito.
Paglilinaw ng opisyal na posibleng ito ay ginagamit sa reserach o ginagamit sa pag-track ng mga isda.
Ayon kay Trinidad, ang mga matitingkad na kulay tulad ng dilaw, pula, at orange, ay kalimitang ginagamit sa mga scientific research at fishing activities tulad ng tracking sa malalaking grupo ng mga isda.
Ayon sa opisyal, hindi ito dapat maging dahilan ng pagka-alarma.
Ang pahayag ng PH Navy ay sa gitna na rin ng mga spekulasyon na ang narekober na drone ay posibleng ginagamit bilang communication at navigation toll ng China.
Unang ipinasakamay ng Philippine National Police sa PH Navy ang naturang drone, ilang araw matapos itong makita ng ilang mga mangingisda sa karagatan ng Barangay Inarawan, San Pascual, Masbate.