Matagumpay na nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Navy Naval Task Force 61 gamit ang BRP JOSE LOOR SR (PC390) ang anim na sakay ng tumaob na motor banca sa katubigang sakop ng Pangutaran Island, Sulu.
Batay sa ulat , natukoy ang bangkang tumaob na M/B Lorena.
Ito ay bumibyahe mula sa Mapun patungo sa Zamboanga City ng ito ay makaranas ang malakas na hampas ng alon dahil kung bakit tumaob ito.
Ang pinangyarihan ng insidente ay may layong 38 miles mula sa kanluran ng Pangutaran Island.
Unang rumescue sa mga biktima ang isang Panama-Flagged Bulk Carrier na M/V Navios Lumen na nasa lugar at kaagad itong humingi ng tulong mula sa mga kinauukulan.
Matapos matanggap ng Naval Forces Western Mindanao ang naturang ulat, kaagad nitong ideneploy ang kanilang LMS Bongao para tumulong sa rescue operation.
Sa sandaling marescue ang mga ito ay kaagad itong pinakain.