-- Advertisements --

Nakatakdang bigyan ng Tethered Aerostat Radar System (TARS) ng United States Government ang Philippine Navy.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Capt. Lued Lincuna na nakatakdang darating sa Martes ang donasyong radar system.

Ang turn over ng nasabing kagamitan ay gaganapin sa Naval Education and Training Command sa san Antonio, Zambales.

Sinabi ni Lincuna na malaking tulong ito sa kanila at lalo pang enhance ang kanilang capabilities sa maritime intelligence and reconnaissance na epektibong makapag detect ng maritime and air traffic partikular sa mga coastal waters ng bansa.

Dagdag pa ni Lincuna na ang ang TARS ay unmanned at self sustained mas magaan sa aircraft system na siyang ginagamit sa surveillance.

Ang TARS ay kayang lumipad ng hanggang 45,000 feet.

Dadalo sa gagawing turn over ceremony si US Deputy Embassy chief of Mission to the Philippines Michael Klescheski at si Philippine Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Ronald Joseph Mercado.