Ikinababahala ngayon ng Philippine Navy ang pagdami ng Chinese Militia Vessels sa West Philippine Sea partikular na sa Escoda at Iroquois Reefs sa nasabing karagatan.
Ginawa ng Philippine Navy ang pahayag matapos ang naiatalang pagdami ng mga barko ng China sa mga bahurang nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Sa naging pahayag ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na ang ganitong hakbang at aksyon ng China ay nakakabahala.
Natuklasan rin ng kanilang tropa ang ilang mga sira-sirang corals na sinasabing gagawang ng China.
Sa pinaka latest na datos ng Armed Forces of the Philippines, pumalo na sa 40 na mga Chinese Maritime Militia Vessels ang kanilang naitala sa Escoda Shoal.
Mas mataas ito kumpara sa dating 12 Chinese Maritime Militia Vessels na na monitor sa mga nakalipas na linggo.
Aabot naman sa 17 na barko ng China ang namataan sa Iroquois Reef.
Batay sa datos, aabot na ito sa 163 na Chinese Maritime Militia Vessels na kinabibilangan rin ng Peoples Liberation Army Navy at China Coast Guard.