Sumabak sa Air Defense Exercises (ADEX) ang Philippine Navy kasama ang mga navy ng US, Japan, Australia, Canada at France.
Ito ay bahagi ng Samasama Exercise 2024 sa ilalim Sea Phase, ang nakatakdang training stage sa ika-walo at ika-siyam na araw ng joint naval training.
Ilan sa pinagdaanan ng mga navy personnel ay ang tracking at monitoring operations laban sa mga banta sa himpapawid, kasama na ang mga Unmanned Aerial Systems.
Isinagawa rin ng mga ito ang Surface Warfare Exercises kung saan sinusubok ang abilidad ng bawat navy na tumugon sa mga banta mula sa malalayong lugar, gamit ang iba’t-ibang weapon system.
Ayon sa Philippine Navy, naging matagumpay ang execution ng mga naturang drill sa pagitan ng anim na navy.
Ang mga naturang simulation ay isinasagawa sa mga karagatang sakop ng Northern Luzon.