-- Advertisements --

Puspusan na ang paghahanda ng Philippine Women’s Netball Team para sa prestihiyosong 2023 Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) Competition simula November 17 hanggang 26 sa Thailand.

Ayon sa pahayag ni Ken Lomogda, team captain ng koponan, malaki raw ang naging adjustment ng team para sa netball sports sapagkat basketball ang kanilang nakasanayang laruin.

Dagdag naman ni head coach Piao Fedillaga, pinaplano na ng Philippine Netball Federation na mag-o-overseas training ang koponan para mas matutukan ang bawat galaw at maka-tune up ang ibang club team.

Sa katanuyan, ang Philippine Team ay nakasungkit ng pang-limang pwesto sa ginanap na Asian Qualifier for the 2023 Netball World Cup sa Singapore.

Sa mga hindi nakakaalam, ang larong netball ay kadalasang nilalaro ng mga kababaihan.

Para lang itong basketball na may kanya-kanyang position gaya ng goal shooter, goal attack, wing attack, center, wing defense, goal defense, at goal keeper na binubuo ng pitong manlalaro. (with reports from Bombo JC Galvez)