ILOILO CITY – Pansamantalang isinara ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Qatar matapos nahawaan Coronavirus Disease (COVID-19) ang karamihan sa mga empleyado at ang halos 100 mga migrant workers.
Sa ulat ni Bombo international correspondent Jerry John Batolina, ang ilan sa mga overseas Filipino workers na kinukupkop ng Philippine Overseas Labor Office ay hindi pa sumailalim sa COVID-19 test ngunit hindi kagaya sa Pilipinas na 24 oras lamang ang hihintayin upang malaman ang resulta ng nasal swab test sa Qatar.
Batay pa sa impormasyon mula kay Batolina, nakahandang umuwi sa Pilipinas ang mahigit sa 200 overseas Filipino workers kung saan sa ngayon, nananatiling sarado ang mga mall, restaurant at suspendido rin ang commercial flights sa nasabing bansa.