-- Advertisements --

Umakyat sa dalawang pwesto ang ranggo ng Pilipinas sa listahan ng world’s most powerful passport ng Henley Passport Index. 

Ayon sa datos, nasa ika-73 na pwesto na ang passport ng Pilipinas na maaaring maglakbay sa 69 na destinasyon nang walang visa. 

Nakuha naman ng France, Germany, Italy, Japan, Singapore, at Spain ang top spot ng pinakamakapangyarihang passport sa mundo. 

Ang mga residente ng mga bansang nabanggit ay maaaring bumiyahe sa 194 na destinasyon sa buong mundo nang walang visa. Ito na ang pinakamataas na bilang ng naitalang visa-free passports magmula ng magsimula ang Henley Passport Index noong 2005.