-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nagpapatuloy ang puspusan na isolation training ng mga pencak silat players ng Pilipinas sa Lipa, Batangas para matiyak ang tagumpay sa nalalapit na SouthEast Asian Games o SEA Games sa bansang Cambodia.

Ayon sa gold medalist na si Mary Francine Padios, wala silang sinasayang na oras para maabot ang kanilang target upang maging lubusang handa sa pagsabak sa kanilang laro laban sa iba pang bansa sa SouthEast Asian.

Kaugnay nito, nakaramdam din sila ng pagod at sakit sa iba’t ibang bahagi ng katawan dahil ito ang kanilang puhunan ngunit pursigido aniya silang masungkit ang medalya para sa Pilipinas sa tulong ng kanilang mga coaches at pagtitiwala sa Poong Maykapal na makapagperform sila ng maayos.

Nabatid na lima ang aklanon athlete na sasabak sa pencak silat sa ilalim ng Philippine Sports Commission na kinabibilangan nila Hanna Mae Ibutnande; Zandro Fred Jizmundo Jr.; Shara Julia Jizmundo; at Jasper Jay Lachica.