-- Advertisements --

Patuloy pa rin sa panghihina ang peso laban sa dolyar matapos na muli na namang magtala ng panibagong record low.

Ayon sa datos mula sa Bankers Association of the Philippines (BAP) umabot pa sa P58 ang trading sa dolyar kumpara sa pagsasara nitong nakalipas na Martes sa P57.48.

Peso Money bills BSP pera

Ang pananamlay lalo ng piso ay sa gitna na rin ng ginagawang pag-aantay ng mga merkado sa buong mundo sa gagawing anunsiyo ng US Federal Reserve sa panibagong interest rate hike.

Nangangamba naman ang ilang mga analysts na dahil sa paglakas lalo ng dolyar, posibleng bumulusok pa ito ng hanggang sa P60.

Maaari rin naman daw na mag-normalize ang Philippine peso o makabawi sa fourth quarter ng taon dahil sa inaasahang pagbuhos ng mga remittances mula sa mga overseas Filipinos.

Sa ngayon umaabot na sa 13% ang pag-depreciate ng peso pero hindi naman ito ang “worst performer” sa Asya.

Ang Federal Reserve ng Amerika ay inaasahan na ang pag-anunsiyo ng panibagong interest rate upang rendahan ang inflation.

Habang ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay magsasagawa rin ng kanilang monetary-policy setting meeting ngayong araw ng Huwebes.