-- Advertisements --
ILOILO CITY- Masasaksihan ng mga Ilonggo ang pagtatanghal ng Philippine Philharmonic Orchestra, ang tinuturing na premier orchestra sa bansa at isa sa top musical ensembles sa Asia-Pacific region.
Ito ay isa sa magiging highlights sa Dinagyang Festival 2023
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Margarita Moran Floreindo, presidente ng Cultural Center of the Philippines, sinabi nito na ang nasabing konsyerto ay libre para sa mga manunuod.
Ayon kay Floreindo, dalawang araw gaganapin ang pagtatanghal.
Sa Enero 13, gaganapin ito sa Iloilo Convention Center kasabay ng Opening Salvo, at sa Enero 14 naman, mangyayari ang pagtatanghal sa Plaza Libertad.