-- Advertisements --
Ipinagmamalaking ipakilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang First Philippine Polymer (FPP) Banknote Series.
Ang FPP Banknote Series ay mayroong apat na denominasyon at nagtatampok ng “smarter, cleaner at stronger features.”
Kabilang sa mga tampok na bagong uri ng salapi ay P500, P100, at P50 na domination.
Umani naman ito ng magkakaibang reaksyon mula sa mga grupo at indibidwal.
Para sa BSP, naipapakita sa mga banknotes ang mga maipagmamalaking hayop na matatagpuan sa bansa.
Ngunit sa pahayag naman ng historian na si Prof. Xiao Chua, nakakapanghinayang na dating mga bayani ang makikita sa mga salapi, subalit ngayon ay mga hayop at ibang features na lamang.