-- Advertisements --

Inutusan ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago ang lahat ng port manager sa mga lugar na apektado ng bagyong “Betty” na maghanda ng sapat na pagkain para sa mga pasaherong maaaring ma-stranded sa epekto ng sama ng panahon.

Inilabas ni Santiago ang kautusan matapos hindi payagan ng Philippine Coast Guard na maglayag ang ilang sasakyang pandagat dahil sa masamang lagay ng panahon bunga ng epekto ng bagyong “Betty” simula nang pumasok ito sa area of ​​responsibility ng bansa noong weekend.

Aniya, gagawin nila ang lahat upang matulungan ang lahat ng na-stranded na mga pasahero.

Dagdag pa niya, hangga’t maaari, nais nilang ipaalam sa mga pasahero ang kanselasyon sa lalong madaling panahon ngunit may mga kadahilanan na wala sa kanilang kontrol ang ibang mga huling minutong pagkansela.

Hinimok din ni Santiago ang mga may-ari ng shipping line na gawin din ito sa kanilang mga pasahero.

May kabuuang 74 na stranded na pasahero sa North Port Passenger Terminal Building (PTB) ang nabigyan ng na ng pagkain.

Batay sa datos ng PPA, may ilang mga pampasaherong sasakyang pandagat ang hindi pinayagang maglayag dahil sa masamang lagay ng panahon, kabilang dito ang mga patungo sa Cebu City mula Leyte, at mula Bohol hanggang Leyte.