Muling nakatanggap ng pagkilala ang Philippine Red Cross sa Department of Health dahil sa mabilis nitong tugon sa outbreak ng tigdas sa BARMM.
Labis naman ang pasasalamat ni PRC Chairperson at CEO Richard Gordon sa ahensya dahil sa pagkilalang ito.
Ayon kay Gordon , ang pagkilalang ito mula sa DOH ay pagpapakita ng ahensya ng suporta sa mga adbokasiya ng PRC.
Kabilang na rito ang mga aspeto sa operations, logistics, financial aid at technical support.
Ang mga ito ay naglalayong maging mabilis ang pagsasagawa ng bakunahan o immunization sa mga malalayong lugar dito sa ating bansa.
Nagpaabot rin si Gordon ng pasasalamat sa Ministry of Health ng BARMM sa naging pag-alalay nito sa mga Red Cross Volunteer.
Sa datos ng ahensya , bumaba na sa 87.9% ang mga naitatalang kaso ng measles sa BARMM.
Aabot naman sa 1.2 milyong kabataan ang nabakunahan pangontra sa nasabing sakit.