Ibinahagi ng Philippine Red Cross (PRC),ngayong Linggo, Marso 31, na nakatulong ito sa libu-libong indibidwal sa kasagsagan ng Semana Santa.
Ayon sa PRC, hanggang kaninang tanghali ay umabot na sa kabuuang 5,108 indibidwal ang natulungan nito sa buong bansa.
Nagsimula ang Holy Week Operation noong Marso 24, at nakakuha ito ang vital signs (blood pressure) ng 4,775 indibidwal.
Tumugon ang PRC sa mga pangunahing kaso na kinabibilangan ng pananakit ng tiyan, panghihina ng katawan, cardiac arrest, pananakit ng dibdib,pasa sa ulo, deep laceration, pagkalunod, pagtaas ng BP, nahimatay, bali, multiple abrasion, at seizure.
Pati na rin sa mga indibidwal na nakakaranas ng maliliit na kaso tulad ng abrasion, allergy, kagat ng hayop, panghihina ng katawan, paltos, pasa, paso, cramps, concussion, pagkahilo, dysmenorrhea, nahimatay, sakit ng ulo, hypertension, hyperventilation, laceration, pagkawala ng malay, bukol, pananakit ng leeg, pagdurugo ng ilong, pamamanhid, hirap sa paghinga, pilay, pananakit ng tiyan, at pagsusuka.
Ang humanitarian organization ay nagdala pa ng 20 indibidwal sa mga ospital na nakakaranas ng abrasion o laceration on extremities, pananakit ng katawan, deep abrasion at laceration, pagkalunod, lagnat, hypoxemia, pagkapagod sa init, pagkawala ng malay, seizure, matinding pangangati, matinding pananakit ng binti, at hirap sa paghinga. .
Sa kasalakuyang datos, ang mga PRC first aid stations ay nakatalaga sa nasa 82 simbahan, 58 sa kahabaan ng mga kalsada at highway, 23 chapters, 23 sa mga beach, 18 sa mga terminal, 19 sa pilgrimage, 11 sa kabundukan, walo sa mga pier at daungan, anim bawat isa sa parke, pool, at ilog, anim sa mga gasolinahan, tig-tatlo sa events place, barangay hall, at malls, at tig-isa sa airport, gymnasium, at pampublikong pamilihan.
Napag-alaman din na ang PRC ay nagpakalat ng 178 ambulansya, 242 first aid stations, 45 welfare stations, at 21-foot patrol na may 2,161 staff at volunteers.