-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Red Cross na nakahanda na ang lahat ng kanilang mga tauhan at volunteers para umalalay sa mga awtoridad kaugnay isang buwang pagdiriwang ng Sinulog Festival sa probinsya ng Cebu.

Sa isang pahayag, sinabi ni PRC Chairperson at dating Senador Richard Gordon, nagdeploy na sila ng aabot sa 200 tauhan mula sa kanilang chapter sa Cebu, Lapu-Lapu, at Cordova.

Ayon kay Gordon, kabilang na rito ang Emergency Medical Service na magsisilbing foot patrollers sa lugar.

Dagdag pa ng opisyal na naka standby na rin ang mga teams mula sa Water Search and Rescue, Medical Corps, in-house doctors, at welfare teams.

Sila ay may mandatong maghatid ng magbigay ng ng first-aid sakaling sa mga indibidwal na mangangailangan ng tulong medikal.

Kaugnay nito , naglabas rin ng abiso si PRC Secretary General, Dr. Gwendolyn Pang sa publiko na tiyakin parin ang pagkakaroon ng ibayong pag-iingat kung sila ay lalahok sa mga event kaugnay ng Sinulog Festival ngayong taon.