-- Advertisements --

Nakapagtala ng mahigit 2,900 na mga related injuries ang Philippine Red Cross (PRC) ngayong obserbasyon ng Semana Santa 2025 ‘yan ay bilang bahagi ng kanilang Holy Week Operations 2025.

Batay sa PRC nakapagbigay sila ng kaukulang tulong sa 2,911 indibidwal sa buong bansa mula ala-8:00 ng umaga ngayon araw, Biyernes Santo. Kabilang sa mga tinulungan ang 2,690 na isinailalim sa monitoring ng vital signs, 166 tinulungan sa minor na sakit, at 5 ang itinuring na major cases. 4 katao naman ang dinala sa ospital para sa karagdagang medikal na atensyon.

Kabilang sa mga minor cases ang abrasions, abdominal pain, bee stings, burns, dizziness, hypertension, at iba pang karamdaman. Ang major cases ay kinabibilangan ng mga sugat, dislocation, at dizziness.

Nag-deploy din ang PRC ng 53 ambulances upang masuportahan ang kanilang operasyon dagdag pa ang 16 service vehicles, 2 rescue boats, at iba pang kagamitan, na pinangunahan ng 701 na tauhan ng PRC, kabilang ang 621 na mga volunteer.

Samantala nakakalat ang PRC stations sa mga piling lugar tulad ng mga simbahan, bus terminals, mga beach, at iba pang pangunahing destinasyon sa buong bansa upang mabilis na matugunan ang pangangailangan ng publiko ngayong obserbasyon ng Semana Santa 2025.