Nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) Secretary-General Gwen Pang, na hinihikayat ang lahat ng mamamayan na magtulungan upang mapabuti ang kaligtasan sa kalsada sa Pilipinas.
Binigyang-diin ni Philippine Red Cross (PRC) Secretary-General Gwen Pang ang pangangailangan ng aksyon mula sa mga makataong organisasyon, pamahalaan, at ahensya upang matiyak ang mas ligtas na mga kalsada.
Aniya, mahalaga din ang aktibong papel ng PRC sa pagbuo at pagpapatupad ng Philippine Road Safety Action Plan na isang roadmap para sa kaligtasan sa kalsada sa bansa.
Kabilang aniya sa pangako ng PRC ang adbokasiya para sa pinahusay na imprastraktura sa kalsada, pagtatrabaho ng mga tauhan ng Emergency Medical Services (EMS), at pagsasanay ng mga nagbibigay ng First Aid at Basic Life Support.
Ipinahayag ni Pang ang kanyang pagkabahala tungkol sa rate ng mga aksidente sa kalsada, na nagreresulta sa mahigit 1.24 milyong pagkamatay taun-taon sa buong mundo.
Idinagdag niya na ang mga road accidents ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino sa pagitan ng 15 at 29 taong gulang, na nagdudulot din ng malubhang banta sa mga kabataan.