-- Advertisements --
image 312

Maaaring makabalik nang mas maaga kaysa sa inaasahan ang pag-uwi ng 82-man na Philippine rescue team mula sa Turkey na nakaranas ng 7.8 magnitude na lindol.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) spokesperson Bernardo Rafaelito Alejandro IV bagama’t wala pang final na desisyon hinggil sa usapin, dapat tandaan na mayroong pagbaba sa mga pagsisikap sa pagsagip sa mga lugar sa Turkey na tinamaan ng nakamamatay na lindol.

Sinabi ni Alejandro na kailangan pa nilang magsagawa ng pulong para makagawa ng pinal na rekomendasyon.

Kung matatandaan, ang focus na ng mga international agencies para sa tulong ay nagsimula nang bumaling sa mga walang tirahan at mahihirap dahil marami sa milyun-milyong tao na naapektuhan ng napakalaking lindol sa Turkey ay natutulog sa mga tolda, moske, paaralan, o mga sasakyan.

Sa ngayon, ani Alejandro, naka-standby ang Urban Search and Rescue (USAR) team na binubuo ng militar, pulisya, at mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority upang magsagawa pa din ng mga search and rescue mission sa nasabing bansa.

Una rito, ang 82-man inter-agency contingent ay nasa kanila ng ikapitong araw ng rescue operations sa Turkey at Syria.