-- Advertisements --

Nagwagi ng dalawang gintong medalya ang national rugby team ng bansa na Philippine Volcanoes.

Nakuha nila ang gintong medalya ng men’s and women’s events sa Asia Rugby Emirates Sevens Trophy na ginanap sa Nepal.

Noong Sabado ay tinalo ng men’s team ang Chinese Taipei 27-14 sa finals habang tinalo ng women’s team ang India 7-5.

Sinabi ni Ada Milby ang pangulo ng Philippine Rugby na labis silang nagagalak sa tagumpay ng rugby team ng bansa.