Pormal nang binuksan ng Department of Agriculture ang kanilang bagong proyekto na Philippine Rural Development Project para sa 23 benepisyaryo nito na mga agri-enterprise.
Sa naging paunang pahayag ni DA Assistant Secretary U-Nichols Manalo, ipinagdidiwang kasabay ng pagbubukas ng exhibit ang ika-10 na anibersaryo ng orihinal na proyektong ito at ang unang anibersaryo ng Scale Up project na ito.
Ipinagmalaki naman ng opisyal ang nakamit na 503 na bilang ng mga rural infrastructure na may halagang P31 bilyong piso at 667 na mga agri-enterprises na may halagang P2.93 bilyong piso na siyang nakumpleto at pinondohan ng ahensya.
Ang pagbubukas ng naturang proyekto ay para matulungan ang mga agri-enterprises na benepisyaryo ng proyekto na maipakilala ang kanilang mga produkto sa publiko.
Samantala, magtatagal naman hanggang sa Biyernes ang exhibit na matatagpuan sa lobby ng Department of Agriculture sa Quezon City.