ILOILO CITY – Tiwala si Philippine Ski and Snowboard Federation President Jim Palomar Apelar na maiuuwi ni Pinoy Alpine skier Asa Miller ang gintong medalya sa 2022 Beijing Winter Olympics.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Apelar, sinabi nito na dahil si Miller ang lone representative ng bansa Winter Olympics, buhos ang suporta ng Philippine Government, Philippine Olympics Committee at maging ang sponsor ng kanyang racing suit.
Ayon kay Apelar, ito na ang ikalawang straight Olympics stint ni Miller matapos na-qualify sa Pyeongchang Winter Olympics noong 2018 kung saan nagtapos iya sa ika 70 pwesto sa 110 na competitors.
Sa Pebrero 13 magsisimula ang kampanya ni Miller para sa giant slalom bago lumahok sa slalom sa Pebrero 16 sa Yanqing National Alpine Skiing Centre.