Kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) na bahagi nga ng rocket ng China ang bumagsak sa katubigan ng Busuanga, Palawan.
Sa ulat na ipinarating sa Bombo Radyo ng PhilSA, nagpaliwanag ito na noon pa mang Oktubre ay nag-abiso na sila sa posibleng mga drop zones ng debris ng Long March 5B (Mengtian Module) rocket launch.
Lumalabas aniya sa pagtaya ng PhilSA na ang drop zone at ang larawan na inilabas ng mga otoridad sa Palawan ay nagpapakita na ito na nga ang debris na nagmula sa rocket na Long March 5B na pinalipad ng China sa kalawakan.
Liban nito ang nauna daw na mga debris na narekober din sa karagatan ng Calintaan, Occidental Mindoro ay parte rin ng
rocket component.
Sa ngayon aniya ang pag-iingat at custody sa naturang mga rocket ay nasa ilalim ng Philippine government.
Muli namang nanawagan ang PhilSA sa publiko na kung meron pang mga hinihinalang mga debris ng rocket ay agad na ipaalam sa mga otoriad.
Pinag-iingat din ng mga eksperto ang publiko sa paglapit sa mga bahagi ng rocket lalo na ang paghawak sa mga ito.
“In relation to this, PhilSA would like to reiterate its sustained efforts to promote and encourage accountability among nations for objects launched into space. As stated in previous briefings, PhilSA submitted to the Department of Foreign Affairs in June 2022 the documentary requirements for the ratification of the Registration and Liability Conventions. Ratifying the Liability Convention would provide the legal basis and means to claim compensation in case of damage or injury to any property and/or people within the Philippine territory, that is caused by a space object of another State,” bahagi pa ng statement ng PhilSA. “This remains a top priority for the Agency.”