-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Patuloy ang pagtutulungan ng mga coach at athleta ng Philippine Taekwondo Association sa kanilang fund raising upang makatulong sa medical expenses ng Philippine Taekwondo pillar na si Elmer Pato na pumanaw noong nakaraang lingo dahil sa COVID-19 kung saan naiwan niya ang kanyang asawa at 10 anak.

Sa ngayon ay critical na naka intubate sa ICU ang asawa at isang anak ni Elmer matapos nag positibo din sa nasabing nakamamatay na virus.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Coach Rafael Elmer ng Philippine Taekwondo Association (PTA), patuloy ang kanilang panawagan para maka likom ng P1.6 million.

Nais nilang ipakita ang solid na samahan sa loob ng mahigit 40 years sa pamamagitan ng pagtulong sa nangangailangang pamilya sa organisasyon at sama-samang mag-survive sa mga dinadanas sa gitna ng pandemic kung saan karamihan ay walang maayos na pinagkakakitaan ngayon.

”Yesterday nag email na ang PTA sa lahat ng coaches, NCR Chairman at RMC para tulungan yun expenses at hospital bill ni sir Elmer na umabot ng P1.6 M, pati yun wife nya rin is critical due to Covid. For sure maraming tutulong ,PTA people kase nagtutulungan kaya sobrang solid ng samahan kaya umabot ng 40 years mahigit ang counting pa.”