-- Advertisements --

Hindi naman nagpatinag ng delegasyon ng Pilipinas sa pag-ulan sa opening ceremony ng Paris Olympics.

Pinangunahan nina Olympic silver medalist at boksingerong sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam na sila ang nagsilbing flag bearer.

Kasama nila sa barko ang Poland at Puerto Rico.

Bago ang parada ay labis ang kasabikan ng mga Philippine Team.

Nasa gilid naman na nanood si Philippine Olympic committee President Bambol Tolentino kasama ang ilang mga opisyal ng POC.