-- Advertisements --

ILOILO CITY- Nakakuha ng 19 na medalya ang National Taekwondo team sa ginanap na 2022 Asian Cadet, Junior and Para-Taekwondo Championships sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Sa nasabing event, dalawang mga Ilongga ang nakakuha ng medalya.

Ito ay sina Julianna Martha Uy na nakakuha ng gold medal sa Female Cadet Poomsae Team category at Elizabeth Marie Borres na nakakuha ng bronze medal sa Team Female Junior Poomsae event.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Uy, 14, grade 9 student ng Ateneo de Iloilo-Santa Maria Catholic School at residente ng Mandurriao, Iloilo City, sinabi nito na produkto siya ng widely-renowned Mark V. Pinggol (MVP) taekwondo gym na nakabase sa Iloilo City.

Nakakuha siya ng gold medal sa Team Female Cadet at silver medal sa Individual Female Cadet categories.

Ayon kay Uy, sampung taon pa lamang siya nang nagsimula sa pag-training sa Taekwondo.

Noong December 2021, nakakuha rin si Uy ng bronze medal sa Open Individual Female cadet 12-14 category sa World Taekwondo Poomsae Open Challenge II “The Battle of all the Finalists”.